Mag-iisang buwan na, saktong ika-25 araw mula nung
araw na 'yon, pero. . . hindi pa rin ako umiiyak. Alam ko dapat. Dapat na kahit gapatak tumulo man lang sa mata ng isang taong punong-puno ng pangungulila.
Release kumbaga. Kaso wala talaga eh.
Kung anu-anong bagay na nga ang tumatakbo sa utak ko, mga masasayang bagay na alam ko kahit kelan ay hindi na natin mababalikan, mga masasayang araw na parang tayong dalawa lang ang tao sa mundo at wala tayong pakelam sa mga taong nakapalibot saten, yun mga alaalang tayong dalawa lang ang meron, yun atin,
yun tayo. Pero hindi naman epektib yung mga yun, imbis, napapa-ngiti na lang ako. Ngiting may bahid ng panghihinayang. Kasi, isipin mo, 2 taon at anim na buwan din natin halos pinaikot ang mundo naten sa isa't-isa.
Ganun katagal. Ganun kabilis.
Ako ang nagpaalam, oo. Para sa sarili ko (para sa'yo na din, sige). Mas madami tayong bagay na dapat unahin ngayon. Responsibilidad na kelangan natin gawin kasi kailangan, hindi man natin gusto. Mga responsibilidad na kelangan natin unahin para mas maayos kung ano yung meron tayo dati. Kahit paano ay pabor pa nga para sa'yo ang pag-papaalam ko. Kala ko sakin din. Kaso, hindi.
Hindi ako galit sa'yo tulad ng inaakala mo. Sandamukal na pagtatampo, oo. Hindi ko lubos maisip kung bakit kelangan ko maramdaman yung mga bagay na yun para maging dahilan ng pag-alis ko. Mga bagay na kahit kelan ay hindi ko naisip na mararamdaman ko sa'yo. Sana'y naintindihan mo yun lohika sa likod ng sinabe ko.
Ngayon? Ano na nga ba? Sa totoo, gusto ko ng alak + yosi + baduy Tagalog
movie + UMIYAK. Solve na 'ko nun. Kahit yun huling dalawa nga lang ayos na ayos na.
Kaso. Dapat nga ba talaga ko umiyak? Sabe ng superrfriend ko baka kaya hindi ako umiiyak kase alam ko na yung mga bagay na yun hindi dapat iyakan. Mga mgagandang bagay na dapat itawa at ika-ngiti ko na lang. Siguro. Pwede.
Hindi ko alam. Gusto ko umiyak. Gusto kong humagulgol. Tipong, dapat ngayon na. Hindi naman ako bato eh. Hindi ako manhid. At ayos naman ang
tear duct ko.
O kaya, noon pa lang alam ko na hindi pa tayo dito nagtatapos kaya walang kwentang iyakan ko. Hindi ngayon yun panahon para umiyak. Kasi alam kong babalik at babalik ako sa'yo.
Kung kelan? Hindi ko din alam. Ikaw lang naman talaga inaantay ko.
Ang tagal mo. Sunduin mo na 'ko, please.
heheh.. parehong-pareho tayo ng drama. although matagal na rin ang 2 years. pero ayos lang yan, wag pilitin kung ayaw mo talagang maiyak. susunduin ka rin niyan kung talagang may mga bagay pa kayong dapat unahin sa ngayon. yun nga lang, baka nde pa bukas, sa makalawa o sa mga susunod na buwan. pero kung hindi ka niya malilimutan at maganda ang pinagsamahan ninyo, babalik yan... :D
@Mish: Gusto ko ng hug ngayon (: Hindi naman ako nagmamadali. Nadala lang talaga ko kahapon. Haha! Thank you kase na-realize ko na hindi talaga dapat magmadali. Thank you dito http://mushymish.net/tgis/love-life/cant-hurry-love/ (: